Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme mula Nobyembre 16 hanggang 18, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa isang abiso nitong Miyerkoles, sinabi ng MMDA na idineklara ang mga naturang araw bilang non-working days sa National Capital Region.
Kasabay ito ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit and Related Summits kung saan magsisilbing host ang Pilipinas.
“Laging tandaan: planuhin ang biyahe, sumunod sa batas-trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang anumang aberya sa kalsada,” paalala ng MMDA.
The post Number coding suspendido sa Nob 16–18 first appeared on Tonite - Abante.






