Kinumpirma ng Supreme Court (SC) na naapektuhan ang email at iba pang digital services nito dahil sa malawakang aberya ng Microsoft365 sa iba’t ibang panig ng mundo.
Dahil dito, posibleng maantala ang pagtugon sa mga email at iba pang transaksyon ng SC.
Sa isang advisory, sinabi ng SC na nakikipagtulungan na ito sa Microsoft upang maibalik ang lahat ng apektadong Philippine judiciary 365 services.
Ayon naman sa Microsoft, iniimbestigahan na nito ang mga naiulat na problema sa Microsoft365, partikular sa exchange online, matapos biglang mawalan ng koneksyon ang ilang server.
Batay sa Downdetector Philippines, kabilang din sa nakaranas ng aberya ang Microsoft Teams, OneDrive, Copilot at Microsoft Store.
Gayunman, wala pang inilalabas na tiyak na oras ang Microsoft kung kailan tuluyang maibabalik sa normal ang lahat ng apektadong serbisyo nito.
The post SC sapol sa aberya ng Microsoft365 first appeared on Tonite - Abante.






