Spotted again ang mag-dyowang Daniel Padilla at Kaila Estrada sa airport. Dumating ulit sila sa Manila from a shoot abroad para sa bago nilang teleserye.
As usual, sinalubong ng kanilang mga tagahanga sina Daniel at Kaila sa airport. Magiliw naman silang inentertain ng celebrity couple.
Picture kete picture ang mga faney kina Daniel at Kaila mula sa loob ng airport hanggang sa labas.
Pero papalabas pa lang ng airport at tsumika na si Daniel sa mga sumalubong na fans nila.
Binati niya ang mga ito at tinanong ng aktor kung kumusta na ang kanyang fans.
“So, kumusta? Ano’ng balita? Sa Asean Summit pupunta ba kayo” usisa ni Daniel sa kanyang fans.
Walang narinig na sagot mula sa mga ito base sa video na kumalat sa socmed. Mukhang unaffected naman si Daniel na walang sumagot sa tanong niya. At tila unbothered din siya sa magaganap.
Puring-puri ng mga netizen si Kaila sa kanyang pagiging quiet habang naglalakad at tsumitsika si Daniel sa fans. Although, pag may tumawag naman kay Kaila ay super smile naman siya.
“Gustong gusto ko ito si Kaila napakapinis ng kilos at khit di mag effort s suot nya ang classy padin ng datingan ayw ko lang tlga si dj for her.”
Ganern? (Julie Bonifacio-Gaspar)
The post Daniel Padilla wapakels sa Asean Summit first appeared on Tonite - Abante.






