
Inamin ni Karylle na isang hamon para sa kanya ang pagsali sa isang reality show dahil kinailangan niyang lumabas sa kanyang comfort zone.
“We were just being ourselves in front of a camera. Mahirap din siya kasi may mga part na may confessionals,” deklara niya.
Ayon pa sa aktres, nagulat din siya sa ilang personal na bagay na naibahagi niya habang ginagawa ang “Manila Matriarchs.”
“Siguro, a closer look and through a different lens,” dagdag ng TV host at singer.
“I think I talked about some very personal stuff. Nagulat ako, I talked about it.
“Sa buhay natin ngayon, nag-overshare na tayo. So, I’m on the radio, so I do Good Times (radio show) in the morning, and then I do a podcast. So, more and more, you share this and that about yourself. Minsan, overshare,” kuwento pa niya.
Inamin din ni Karylle na mas naging bukas siya sa pagpapahayag ng kanyang mga pananaw, kabilang na ang tungkol sa politika.
“Siguro mas naging matapang ako sharing my views politically, for example,” bulalas pa niya.
Anyway, ibang Karylle ang mapapanood ng publiko sa bagong reality series na “Manila Matriarchs.” Masisilayan ang mas personal na bahagi ng buhay ng aktres at tatlo pang kilalang Pinay socialites.
Kasama ni Karylle sa serye sina Joanna Preysler-Francisco, Myrza Sison at Trisha Bantigue-Tsao na magbibigay-pasilip sa kanilang mundo bilang mga babaeng matagumpay sa kani-kanilang larangann.
Kilalang Manila art queen si Joanna, fashion editorial royalty si Myrza, at CEO si Trisha.
Hindi lamang karangyaan at magarbong pamumuhay ang matutunghayan dito dahil ilalantad din ng apat na babae ang kanilang mga karanasan sa pamilya, pakikipagkaibigan, trabaho at mga personal na pagsubok na kinakaharap nila.
Ang “Manila Matriarchs” ay likha ng award-winning producer na si Cece Asuncion, katuwang ang Girl Bye Productions Inc. at Lucca Creatives.
Mapapanood ang reality series exclusively sa iWant, kung saan libre ang unang episode para sa worldwide viewers. Susundan ito ng mga bagong episode simula Nobyembre 24.
May kabuuang walong episodes ang programa na mapapanood sa pamamagitan ng iWant subscription plans.
The post Karylle may binuking sa reality show first appeared on Tonite - Abante.






